MANILA, Philippines — Naligayahan ang mga motorcycle for hire drivers nang dumating at namahagi sa kanila ng groceries si Vice President Sara Duterte sa isang pagtitipon sa Batasan Park, Quezon City kahapon.
“Salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayan na araw-araw ay kinakailangan na sumabak sa trapiko. Patuloy kayong maging maingat hindi lang sa inyong sarili subalit maging sa inyong mga pasahero,” pahayag ni VP Sara .
Matatandaan na si VP Sara ay bumaba sa nasabing lugar noong panahon ng kampanya kung saan mga drivers din ng Joyride, Angkas at iba pa ang sinadya dito.
“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mahal na Vice President Inday Sara Duterte. Patuloy ang pagmamahal at suporta ang kaniyang pinakikita at pinagkakaloob sa ating mga motorcycle drivers,” pahayag ni Angkas CEO George Royeca.
“Ang Angkas po ay patuloy tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na kailangan ng ating serbisyo. Serbisyo na ligtas at patas ang aming patuloy na ipagkakaloob,” dagdag pa nito.
May 200 riders mula sa Angkas at Joyride ang nabiyayaan ng pamaskong handog ng bise-presidente na kinabibilangan ng sako-sakong bigas at grocery items.
Bukod sa motor riders tumanggap din ng gift packs ang mga TODA members at senior citizen ng barangay Batasan sa naturang lungsod.