MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Port of NAIA ang nasa 5,118 pirasong ecstasy tablets na nagkakahalaga ng nasa P8.8 milyon at mga vape catridges na may mga halong iba’t ibang klase ng candies matapos magsagawa ng area of operation ang mga ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.
Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, isang parcel na may tracking no. CW 076757170FR na ipinadala ng isang alyas Juan Rellores Villares ng 2 Place Cormontaigne with CP no.59000 at naka - consigned sa isang alyas Edzel Rellores ng Villares Manggahan Pasig City .
Ayon kay Talusan, ang isang box labeled MEDISANA ay naglalaman ng 1 foot massager at 3
improvise tape pouches na may 5,118 tablets ng ecstasy.
Ang mga droga ay itu-turn over sa pag-iingat ng PDEA para sa imbestigasyon at disposisyon.