Contact visitations sa mga preso, pinahihintulutan na ng BJMP

Inmates wait outside their detention cells as members of the Bureau of Jail Management and Penology conduct Oplan Greyhound, to search for illegal drugs and other contraband at the Manila City Jail in Sta. Cruz, Manila on October 21, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinahihintulutan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagkakaroon ng contact visitations sa mga jail inmates, dalawang taon matapos itong suspendihin bunsod na rin ng pandemya ng COVID-19.

Paglilinaw naman ng BJMP, tanging ang mga immediate family members lamang ang papayagang makapag-face-to-face visits sa kanilang mga nakabilanggong kaanak.

Anang BJMP, ang mga fully-vaccinated individuals ay hindi na rin nila ire-required pa na sumailalim sa COVID-19 tests.

Ang bisita naman na hindi bakunado, ay ire-require na magprisinta ng RT-PCR test na may negatibong resulta, sa loob ng 72-oras bago ang pagbisita o di kaya ay negatibong antigen test sa panahon ng 24-oras na pagbisita.

Dapat din umanong naka-schedule lamang ang pagbisita upang maiwasan ang pag­dagsa ng mga tao.

Paliwanag ni BJMP Spokesperson Supt. Xavier Solda, mahalaga ang karapatan ng mga persons deprived of liberty (PDL) para sa visitation. Isa rin aniya ito sa mga programa na talagang ini-encourage ng BJMP kung hindi lamang nagkaroon ng pandemya.

Hindi pa rin naman umano pinapayagan ang conjugal visit, ngunit pinag-aaralan nila ito sa ngayon.

Tuloy pa rin naman aniya ang electronic visitations o e-dalaw, na plano nilang palawakin pa at iprayoridad dito ang mga PDLs na may edad na at vulnerable sa COVID-19.

Show comments