Parcels na may lamang shabu, liquid marijuana, nasabat

Ang mga nasamsam na shabu at liquid marijuana sa nasabat na mga parcels sa Central NMail Exchange Center (CMEC).

MANILA, Philippines — Nasamsam ang anim na abandonadong parcels na naglalaman ng 2,504 gramo ng shabu na may street value na  P17 milyon at 45 pirasong vape cartridge at may laman na liquid marijuana na idineklara lamang P9,925.74 ang halaga.

Ayon kay Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang mga kontrabando ay nadiskubre ng kanyang mga tauhan sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road Pasay City at sa DHL Cargo Warehouse, NAIA Coplex, Andrews Avenue Pasay City, ng isalang nila sa x-ray machine ang mga nasabing parcels at ng buksan tumambad ang mga at 2,504 gramo ng shabu at marijuana oil .

Sinabi ni Talusan, kabilang sa mga natuklasan na mga piraso ng ebidensya 15 Bottles of Multivitamins” na ipinadala ng Nanook Nutrition of Nanook Nutrition 3939 S Ave 3E YUMA AZ 85365 at naka-consign kay ­Elizabeth Tiller ng B9 L5 LA MIRADA GRAN Europa Lumbia Cagayan De Oro, 900, Philippines na naglalaman ng isang (1) Black Vape, Ilang piraso ng tissue at 12 piraso ng plastic container bawat isa ay naglalaman ng vape cartridge na naglalaman ng marijuana oil, 10 piraso ng puting plastic sachet na may label na HIMALAYA bawat isa ay naglalaman ng vape cartridge na naglalaman ng likidong marijuana at 10 pcs ng vape cartridge na naglalaman ng likidong marijuana; Halos ganito rin sa mga nasabat pang parcels na iba ang laman kaysa sa mga idineklara.

Ang mga ito, sabi ni Talusan, ay ililipat nila sa PDEA para sa imbestigasyon at disposition.

Show comments