Bantag, ‘present’ sa Percy Lapid killing probe
Hurisdiksyon ng DOJ sa kaso, kinuwestiyon
MANILA, Philippines — Personal na dumalo sa isinagawang ikalawang preliminary investigation hearing si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag sa kaniyang mga kasong murder sa Department of Justice (DOJ) kahapon ng umaga.
Kasabay naman nito, nagsumite rin ang kampo ni Bantag ng motion for inhibition laban sa panel DOJ kaugnay sa kasong pagkapaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ayon sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, na ang naturang kaso ay dapat na sa ilalim ng hurisdiksyon ng Ombudsman.
Si Bantag ay nahaharap sa dalawang kasong murder sa kaso ni Lapid at sa Bilibid inmate na si Jun Villamor.
Sinabi ni Bantag na nakapagbigay na siya ng counter-affidavit sa Baguio City Prosecutors Office pero pinili pa rin na dumalo sa DOJ preliminary investigation para magsumite ng dagdag na mga impormasyon.
Ngunit nang tanungin kung ano ang idinagdag niya sa kaniyang counter-affidavit, sinagot ito ni Bantag na hindi niya maalala dahil umano sa rami.
Iginiit din niya na hindi siya nagtatago.
Hindi lamang umano siya nakadalo sa unang preliminary investigation dahil sa maling middlename na inilagay ng DOJ sa subpoena.
Kasama ni Bantag na kinasuhan si BuCor Senior Superintendent Ricardo Zulueta na hindi na makita sa ngayon.
Si Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid nang magalit umano sa expose ng huli sa kaniyang programa na naglantad sa kaniyang mga ari-arian at iba pang kayamanan sa Laguna.
Itinanggi naman ni Bantag na sa kaniya ang nakunan ng video ng mamamahayag.
Related video:
- Latest