14K pulis ikakalat sa Metro Manila, ngayong Kapaskuhan
MANILA, Philippines — Upang tiyakin ang magiging tahimik at mapayapa ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, magkakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO ) ng nasa 14,000 pulis sa Metro Manila kaugnay ng pagdagsa ng mga tao sa ‘holiday rush’ at pagsisimula ng simbang gabi sa Disyembre 16.
Ito’y sa kabila ng pagbaba ng index crimes na naitala ng NCRPO sa iba’t ibang panig ng Metro Manila sa pagpasok ng ‘ber months’.
Sinabi ni NCRPO Spokesperson Lt. Col Dexter Versola
“We will also monitor all law enforcement and public safety operations by PNP units down to police stations, particularly the situation in churches and other places of convergence during the traditional Simbang Gabi and Misa de Gallo”, ayon kay NCRPO Spokesperson Lt. Col Dexter Versola
Inihayag ni Versola na ang limang police districts sa ilalim ng command ng NCRPO ang inatasan ni NCRPO Director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo na magsagawa ng security assessments sa kanilang mga nasasakupang lugar upang madetermina ang crime-prone areas at dito palakasin and deployment ng mga foot at mobile patrols ng kapulisan.
Sinabi ni Versola na dahilan sa puspusang pagtatrabaho ng NCRPO cops sa ilalim ng SAFE program ni Estomo ay nagkaroon ng unti-unting pagbaba sa index crimes mula Setyembre hanggang Nobyembre.
Samantalang nakatuon din ang pokus ng NCRPO sa Kasimbayan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) at patuloy ang paglaban sa kriminalidad, terorismo, illegal drugs at iba pa.
- Latest