^

Metro

Bantag at Zulueta, ‘no show’ sa preliminary investigation

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bantag at Zulueta, �no show� sa preliminary investigation
Suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
STAR / File

Sa Lapid, Villamor killing

MANILA, Philippines — Tulad ng inaasahan, hindi nagpakita sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at deputy security officer Supt. Ricardo Zulueta sa isinagawang preliminary investigation kaugnay sa inihain sa kanilang dalawang kasong murder kaugnay ng pagpaslang kina Percival Mabasa at middleman na si Jun Villamor.

Sinabi ni Atty. Rocky Balisong na maaaring makadalo na ang kaniyang kliyente na si Bantag sa susunod na PI sa Disyembre 5 ngunit sa pamamagitan lamang umano ng zoom kung papayagan ng mga panel of prosecutors.

Dumalo naman sa pamamagitan ng zoom ang mga inmates ng New Bilibid Prison na nasa kustodiya ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) habang aktuwal na present naman ang kanilang mga abogado.

Personal na dumalo rin dito si self-confessed gunman na si Joel Escorial kasama ang kaniyang abogado na si Daniel Alviar, habang ang kapatid ni Villamor na si alyas Marissa ay ineskortan naman ng mga tauhan ng Witness Protection Program (WPP).

Sa mga akusado, wala namang dumalo na abogado para magrepresenta kay Zulueta, na hindi pa batid hanggang sa ngayon ang kinaroroonan o ang kaniyang kalagayan. Wala ring representasyon sa mga nakalalaya pang suspek na sina Israel at Edmond Dimaculangan at isang alyas Orly.

Nag-aalala rito si Roy Mabasa, kapatid ng napaslang na broadcaster, dahil sa aminado siya na isa sa pinakamahalagang piraso ng kaso si Zulueta.

“Part ‘yun ng paghahanap ng hustisya na magkakaroon ng delays but umaasa tayo…fair naman ang mga prosecutors natin kanina. Sinabihan sila na sa susunod ay dapat handa sila sa kanilang mga ifa-file na counter-affidavits,” ayon kay Roy Mabasa.

Umaasa si Mabasa na dadalo na sa susunod na pagdinig sa Disyembre 5 si Bantag para marinig naman ang kaniyang panig.

 

 

 

 

vuukle comment

GERALD BANTAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with