^

Metro

San Juan LGU, namahagi ng cash gifts sa mga senior citizen

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
San Juan LGU, namahagi ng cash gifts sa mga senior citizen
Si San Juan Mayor Francis Zamora na namahagi ng cash gift sa may 442 seniors bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lungsod.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga ­senior citizens sa pag-unlad ng bansa, pina­ngunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagdiriwang ng kaarawan ng may 442 senior citizens umabot sa edad na 70,80 at 90 sa San Juan City Hall Atrium.

Bukod sa selebras­yon, binigyan din ng lokal na pamahalaan ang mga ito ng cash gift para sa kanilang kaarawan.

 “Ito po ay aming pasasalamat sa inyo dahil kayo po ay kinokonsi­dera kong aming gabay, nirerespeto namin kayo, at napakahalaga sa ­ating komunidad, sa ating lungsod. Nakikita natin ang tuwa ng ating mga senior citizens ngayon at hinabol talaga namin ang inyong birthday ngayong taon,” ayon pa sa alkalde.

“Ang wish ko ay maa­butan ko kayong lahat ng tseke sa inyong 100th birthday. Nakakaanim na po tayong centenarians sa San Juan,” aniya pa.

Nabatid na ang mga centenarians ng lungsod ay binibigyan ng tig-P50,000 ng lokal na pamahalaan, bukod pa sa P100,000 na ipinagkakaloob ng national government.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with