^

Metro

Senior citizen, patay sa bundol ng e-trike

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senior citizen, patay sa bundol ng e-trike
Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa eastbound lane ng Kalaw Avenue sa Ermita.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang se­nior citizen habang sugatan naman ang kaniyang misis makaraang mabundol sila ng dalawang e-trike habang tumatawid sa isang kalsada sa Ermita, Maynila nitong nakaraang Lunes ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Jesus Garcia, 73, ng Altura Extension, Sta. Mesa, Maynila. Sugatan naman ang kaniyang misis na si Elizabeth Garcia, 68.

Samantala, hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Paul Patrick Lacanaria, 34, Bagong Lupa, Baseco, Port Area; at si Alfredo Acedilla, 56, ng Manila Habitat, Baseco Port, Area, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa eastbound lane ng Kalaw Avenue sa Ermita.

Tumatawid ng kalsada ang dalawang matanda nang unang mabundol sila ng e-trike na minamaneho ni Lacanaria dahilan para bumagsak ang mga ito.  Sumunod na nabundol muli si Jesus ng e-trike na minamaneho naman ni Acedilla dahilan ng matinding pinsala sa kaniya. Mabilis na rumes­ponde sa insidente ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office at isinugod ang dalawang matanda sa Philippine General Hospital kung saan agad silang nilapatan ng lunas. Dakong alas-3:10 ng hapon nang ideklarang nasawi si Jesus Garcia dahil sa matinding pinsala na tinamo nito.

Nakaditine ngayon sa MDTEU detention center ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Homicide at Physical Injury through Reckless Imprudence sa Manila City Prosecutors Office.

 

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with