Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

Mug shot photo of Vhong Navarro courtesy of the NBI.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nailipat na kahapon sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kaniyang pagkakaditine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nakaditine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

Ang paglilipat ng kulu­ngan sa aktor ay matapos na maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.

Kahapon ng umaga, ­ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.

Nakulong si Navarro makaraang sumuko noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng mo­delong si Deniece Cornejo.

Related video:

Show comments