Kompanyang sangkot sa paghuhukay sa Bilibid, kakasuhan

MANILA, Philippines — Plano ring kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang pribadong kompanya na sangkot din sa paghuhukay sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kinukumpleto pa nila ang investigation report saka isasagawa ang paghahain ng mga kaukulang kaso.

“Yan ho kasi, marami hong paglabag sa batas ‘yan,” ayon kay Remulla.

Tinukoy ni Remulla ang kumpanyang Agua Tierra Oro Mina (ATOM) Development na sinabi ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na siyang nagde-develop sa lugar.

Una na ring sinabi ni Remulla na naghuhukay umano ng Yamashita treasur si Bantag na personal na sinabi sa kaniya ng huli ngunit hindi niya pinayagan.

May pahayag din si Bantag na “deep swimming pool” ang kanilang ginagawa dahil sa pagiging scuba diver niya at hindi isang tunnel para mapatakas ang mga inmates.

 

Show comments