15 arestado sa pagnanakaw ng cable wires
MANILA, Philippines — Nasa 15 katao ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa ilegal na pagbabaklas ng mga cable wires ng isang telephone company sa Quezon City.
Sa ulat na natanggap ng QCPD director,
Nauna rito, nakakita umano ang testigong si Ricky Codillan, na nagtatrabaho bilang driver ng rent-a-truck service, sa isang Facebook post mula sa isang back loader express group page na nag-iinquire para sa rent-a-truck services na gagamitin sa pagdedeliber ng copper cables mula sa Novaliches, Quezon City patungong Nueva Ecija.
Pagsapit ng alas-3:50 ng madaling araw ng Nobyembre 18, 2022, nagtungo ang mga testigong sina Codillan at Danny Cantong Jr. sa tapat ng isang fast food chain na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City kung saan sila nagkasundong magkikita sa pag-arkila sa kanila.
Nang makarating sa lokasyon, inutusan ng mga suspek si Codillan na hilahin ang mga cable gamit ang kanilang truck.
Gayunman, natunugan umano ni Codillan na ang mga kable ay ilegal na dinismantle ng mga suspek, kaya’t kaagad niya itong isinumbong sa 911.
Kaagad namang naipaabot ang insidente sa tanggapan ng PS-4.
Mabilis na rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Narekober mula sa mga suspek ang isang piraso ng FSF Cable 1,800x0.26 na tinatayang may 400 metro ang haba at nagkakahalaga ng P861,924, isang FSF Cable 1,200x0.26 na may 400 metro at nagkakahalaga ng P557,173, isang Mitsubishi Super Great 10 wheeler wing van; at isang bakal na lagare.
Samantala, naaresto rin ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Garman Manabat si Danilo Hulipaz, 24, ng Balut Tondo, Manila, dakong alas- 11:00 ng gabi kamakalawa sa D. Tuazon, malapit sa kanto ng Quezon Avenue, Brgy. Lourdes, Quezon City.
Nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga personnel ng PS 1 TMRU, nang maaktuhan nila si Hulipaz at dalawang kasabway nito habang nagpuputol ng cable wire.
Inaresto si Hulipaz at nabawi mula sa kanya ang 400 pares ng copper cable wire na tinatayang aabot sa limang metro at nagkakahalaga ng P13,372.00, isang piraso ng 50 pares ng copper cable wire na may limang metro na nagkakahalaga ng P5,302, isang piraso ng 300 pares ng copper cable wire na may 4.3 metro at nagkakahalaga ng P33,755.86, metal saw, isang Rusi motorcycle na may asul nasidecar, isang improvised firearm at isang 12 gauge live ammunition.
- Latest