Nagkaisang Nayon, may maliwanag na Pasko
MANILA, Philippines — Ipinagdiwang kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng One Meralco Foundation (OMF), sa pakikipagtuwang sa Quezon City local government, ang elektripikasyon ng may 391 sambahayan sa Dormitory Phases 1, 2 at 3, sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City kamakailan.
Sa pamamagitan ng Household Electrification Program (HEP), tinulungan ng OMF ang mga low-income families sa Meralco franchise area upang magkaroon ng access para sa ligtas at reliable electricity service at ma-maximize ang resources at madagdagan ang kanilang prodaktibidad.
Hinikayat din nila ang mga household na iwasang masangkot sa flying connections at illegal service connections, gayundin sa paggamit ng sub-meters sa komunidad.
Nabatid na aabot na sa mahigit 60,000 tahanan na ang nabigyan ng enerhiya ng OMF sa ilalim ng HEP simula nang mag-umpisa ito noong 2011.
- Latest