MANILA, Philippines — Dahil nalalapit na ang Kapaskuhan at Bagong Taon, nagbabala ang toxic watchdog group na BAN Toxics hinggil sa maagang bentahan ng bawal na paputok.
Batay sa isinagawang market monitoring ng grupo naibebenta na ngayon ang mga bawal na paputok tulad ng Five Star, whistle bomb, giant bawang at Happy Ball sa may M. de Santos, Divisoria sa Maynila.
Ayon sa grupo, may batas na nagbabawal na maibenta sa publiko ang naturang mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Noong nagdaang taon, nagpalabas ang PNP ng talaan ng mga bawal na paputok tulad ng Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Super Lolo, Atomic Triangle, Goodbye Bading, Large-size Judas Belt, Goodbye Philippines, Goodbye Delima, Bin Laden, Hello Columbia, Mother Rockets, Goodbye Napoles, Coke-in-Can, Super Yolanda, Pillbox, Mother Rockets, Boga, Kwiton, Kabasi, lahat ng overweight at oversized firecrackers at pyrotechnic devices (FCPD), lahat ng imported finished products at iba pa.
“We call the attention of Police General Rodolfo S. Azurin Jr., Chief of the Philippine National Police, to initiate on-site inspection and confiscation of prohibited firecrackers in public markets, It is high time for the PNP to issue at the earliest the list of prohibited firecrackers to stop its manufacture, sale, and distribution, and prevent firecracker-related injury and toxic exposure among children,” pahayag ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.
Una nang sinasabi ng DOH na ang kemikal at substance na nasa paputok ay cadmium, lead, chromium, aluminum, magnesium, nitrates, nitrite, phosphates at sulfates, carbon monoxide, copper, manganese dioxide, potassium, sodium, zinc, oxides ng nitrogen at sulphur na ang ma-eexpose sa mga kemikal na ito ay maaaring mapinsala ang nervous at respiratory system.