MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Customs - Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang nasa 24 kilo ng assorted jewelries na nagkakahalaga ng nasa P80 milyon, matapos madiskubreng nakasiksik sa banyo ng eroplano.
Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, natuklasan ng boarding inspector mula sa Customs Aircraft Operations Division ang mga alahas na nakalulang eroplano ng PAL flight PR 301 galing Hong Kong na lumapag sa NAIA Terminal 2.
Isang masusing imbestigasyon ang iniutos ni Talusan para kilalanin ang mga sangkot sa pagpupuslit sa mga alahas papasok ng bansa.