Vhong Navarro, ililipat na sa Taguig jail

TV host Vhong Navarro surrenders to the National Bureau of Investigation (NBI) in Quezon City on September 19, 2022 after a Taguig court issued an arrest warrant against him over the 2014 rape and acts of lasciviousness complaints filed by model Deniece Cornejo.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakatakda nang ilipat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penologoy (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro na kaugnay sa kasong rape na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa pahayag ng NBI Public Information Office, nakatanggap na ang NBI-Security Ma­nagement Section ng kautusan mula sa Taguig City Regional Trial Court Branch 69 para i-commit ang aktor sa BJMP-Male Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ngunit bago ito, kailangan munang isailalim sa mandatory Medical Examination ang aktor at TV host, kabilang ang RT-PCR test bilang pagtalima sa “health protocol requirements” bago siya mailipat.

Matatandaan na noong Oktubre 11, hindi naghain ng anumang plea si Navarro sa pagdinig ng kaniyang kaso kaya ang korte ang naghain ng awtomatikong “not guilty plea”.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Cornejo na ginahasa siya ni Navarro noong Enero 17, 2014 sa loob ng kaniyang condominium unit sa Taguig City.  Bukod sa rape, nahaharap din si Navarro sa kasong acts of lasciviousness sa hiwalay na korte.

Show comments