^

Metro

Minor, natukoy na nag-‘bomb threat’ sa iskul sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Minor, natukoy na nag-‘bomb threat’ sa iskul sa Taguig
Ayon sa Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group natukoy na ang nagbanta ay isang babae ring mag-aaral sa Signal Village National High School.
STAR/ File

MANILA, Philippines— Isang menor-de-edad ang natukoy ng pulisya na nasa likod ng isang Facebook account na nagbantang magpapasabog sa isang eskwelahan sa Taguig City, noong Nob­yembre 7,2022.

Ayon sa Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group natukoy na ang nagbanta ay isang babae ring mag-aaral sa Signal Village National High School.

Magugunitang dahil sa pagbabanta, sinuspinde ang mga klase sa paaralan.

Matapos naman ang ginawang pananaliksik walang nakita na anumang uri ng bomba sa loob ng iskul.

Nag-ugat ang pagsuspinde sa klase ng isang mensahe ang natanggap ng paaralan mula sa isang FB user na “Sofia Smith” na nagsagawa ng bomb threat.

Binanggit pa nito ang mga katagang: “Kagaya ng nangyari sa Thailand humanda kayo magpapasabog ako diyan sa signal, papatayin ko kayong lahat.”

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with