Most wanted sa Caloocan, timbog

MANILA, Philippines— Kalaboso ang isang most wanted matapos na matunugan ng mga operatiba ang pagbisita nito sa kaniyang pamilya  sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang naarestong wanted na si Edward Soriano, 31, ng Brgy  35, ng  nasabing siyudad.

Sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Nadora St., 4th Ave., Caloocan City na naging dahilan upang  magsagawa ang mga ito ng  surveillance operation sa lugar.

Nang  mag-positibo ang report, kaagad na tinungo ang lugar kung saan dinakip ang suspect.

Hindi na nakapalag ang suspect nang masukol  ng mga operatiba.

Ayon sa ulat, matapos umano na magawa ang krimen ay nagsimulang magtago sa batas ang suspect.

Ayon sa opisyal, si Soriano ay dinakip  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court Branch 1 ng Caloocan City kaugnay ng kasong sexual assault in relation to Section 5 (B) of RA 7610.

Show comments