JRU player John Amores, kinasuhan sa San Juan court

College of St. Benilde basketball players Frederick James Pasturan and Taine Mitchell Davis filed a case against Jose Rizal University's John Amores at the San Juan City Hall of Justice on Friday.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng reklamo ang basketball player ng Jose Rizal University na si John Amores na nanakit sa mga manlalaro ng College of Saint Benilde.

Nagtungo sa San Juan City Prosecutor’s Office sina Jimboy Pasturan at Taine Davis kasama ang kanilang coach na si Charles Tiu at mga abugado na sina Atty. Winnie Salumbides at Atty. Jackie Gan para ireklamo si Amores.

Ayon kay Atty. Salumbides, kasong multiple physical injuries ang kanilang sinampa laban kay Amores dahil sa pananakit nito.

Sa isinampang kaso sinabing matapos makasapak, nagtamo ng black eye si Pasturan sa insidente at Ipina-CT scan naman si Davis dahil sa nakuhang concussion matapos masuntok sa panga.

Hindi naman nagbigay ng kanilang pahayag ang complainant na sina Davis at Pasturan sa media.

Matatandaan na nitong Martes, itinigil ang laro ng JRU at CSB sa 98th season ng National Collegiate Athletic Association sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City matapos ang nangyaring gulo.

Nabatid na pinatawan na ng indefinite suspension si Amores sa paglalaro sa NCAA.

Show comments