Liquor ban sa Bar Exams, ipapatupad sa Maynila

Ipapatupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad na ito sa mga sumusunod na petsa: sa Nobyembre 8 mula Nobyembre 9; Nob. 12-13; Nob. 15-16; at Nob. 19- 20. 
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng ­liquor ban ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga lugar na malapit sa dalawang unibersidad na pagdarausan ng 2022 Bar examinations.

Sa Executive Order 48 ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda ng alak sa lahat ng tindahan, maging mga ambulant vendors, malapti sa San Beda University sa Mendiola at sa De La Salle University (DLSU) sa kahabaan ng Taft Avenue.

Mahigpit na magpapatupad rin ng “noise control” o pagbabawal ng labis na pag-iingay sa paligid ng naturang dalawang pamantasan.

Ipapatupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad na ito sa mga sumusunod na petsa: sa Nobyembre 8 mula Nobyembre 9; Nob. 12-13; Nob. 15-16; at Nob. 19- 20. 

Sa mga petsang ito bawal ang pagtitinda ng alak mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-10 ng gabi.

“Also within the radius and on the same time and dates stated for ambulant vendors, videoke, karaoke, loud sound systems, speakers, and all equipment emitting loud or disturbing sounds, including persons or groups of persons causing loud noises within the vicinity shall also be banned,” saad pa EO.

Una nang naglabas ang lokal na pamahalaan ng advisory sa traffic re-routing kaugnay ng naturang pagsusulit.

 

Show comments