Droga sa sapatos, tinangkang ipuslit sa Metro Manila District Jail

Sa ulat, dakong alas- 4:00 ng hapon ng Miyerkules nang arestuhin ang suspek sa isinasagawang ‘Paabot activity’ sa searching area ng nasabing piitan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasabat ng isang jail officer ang iligal na droga na tinangkang ipasok ng Metro Manila District Jail (MMDJ) Annex 2, Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District director, P/Brig. General Kirby John Kraft ang nabukong suspect na si Jeremiah Neil Buenaventura, 24.

Sa ulat, dakong alas- 4:00 ng hapon ng Miyerkules nang arestuhin ang suspek sa isinasagawang ‘Paabot activity’ sa searching area ng nasabing piitan.

Nang rikisahin umano ng isang jail officer ang isang pares ng kulay grey na Nike Zoom rubber shoes na naka-kahon, nadiskubre na nakatago sa mismong sole ng sapatos ang nasa 23.94 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa  ?162,792.00.

Agad humingi ng assistance sa Sub Station 10, Bagumbayan, Taguig City at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), ng National Capital Region Police Office ang jail officer na umaresto sa suspek.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip.

Show comments