^

Metro

Bibisita sa Manila North Cemetery, dodoble sa 1 milyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bibisita sa Manila North Cemetery, dodoble sa 1 milyon
Manila Police District (MPD) deployed policemen at the vicinity of Manila North Cemetery on October 28, 2022, ahead of Undas on November 1 to 2, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inaasahang dodoble pa sa isang mil­yon ang bibisita sa Manila North Cemetery ngayong Nobyembre 1 (All Saint’s Day) dahil sa pagsasara ng sementeryo nitong Sabado at Linggo dulot ng bagyong Paeng.

Sinabi ni MNC Director Roselle Castañeda na ang isang milyong tantiya nila ay tulad ng dami ng bumisita noong 2019 bago ang pandemya. Ngunit dahil sa rami ng hindi nakapunta ng sementeryo nitong Sabado at Linggo dahil sa bagyo ay inaasahan na lalo pa itong darami lalo na kung magtutuloy-tuloy ang masamang panahon hanggang Lunes.

“Handa pa rin naman po kami. Hindi man po sumama ang panahon, talagang mataas talaga ang expectation namin ngayong November 1 kaya nga po may mga pulis tayong naka-deploy dito,” saad ni Castañeda.

Maraming mga bisita, lalo na ang galing pa sa mga probinsya ang nagpahayag ng pagkadismaya nang abutan nilang sarado ang gate ng MNC nitong Sabado at pagbawalan silang makapasok para maagang mabisita ang kanilang namayapang kaanak.

Inireklamo nila ang huling anunsyo ng pamunuan ng MNC sa pagsasara habang ang iba ay wala talagang alam na isasara ito.

“‘Pag ganyang masamang panahon iniiwasan lang niya na may masaktan o may untoward incidents sa ating cemetery,” pagtatanggol naman ni Castañeda sa desisyon ng lokal na pamahalaan na isara ngayong weekend ang sementeryo.

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with