Mayor Joy, pinangalanang Bahaghari Champion
MANILA, Philippines — Bilang rekognisyon sa kanyang pamumuno at adbokasiya na nagsusulong ng pantay na karapatan sa Quezon City, binigyang pagkilala ng Philippine Financial and Inter-Industry Pride (PFIP) si QC Mayor Joy Belmonte bilang isa sa Bahaghari Champions, sa kauna-unahang Philippine BAHAGHARI Awards Night noong Biyernes ng gabi.
Ipinagkakaloob ng PFIP ang BAHAGHARI Champion award sa mga “exceptional” na indibiduwal at organisasyon na nagsusulong ng SOGIE equality at human rights sa iba’t ibang sektor ng komunidad bilang pagdiriwang ng kanilang ikasiyam na anibersaryo.
Bukod kay Mayor Joy, pinangalanan ding BAHAGHARI Champions ang Bottling Investments Group Global Chief People Officer ng The Coca-Cola Company na si Drew Fernandez at The Embassy of The Netherlands to the Philippines.
Labis naman ang pasalamat ni Mayor Joy sa natanggap na parangal.
“I am really grateful to the PFIP for recognizing the city government’s efforts to uphold the rights of the members of the LGBTQIA+ community. I assure you that Quezon City will be the bastion of democracy where everyone can live their truth without fear of discrimination or stigma, where everyone is embraced and loved with uniformity and where acceptance is the norm,” anang alkalde.
Sa kanyang talumpati, tinukoy pa ng alkalde ang mga pagsusumikap ng lungsod para isulong ang gender equality, at tuldukan ang lahat ng uri ng gender-based abuses, diskriminasyon, at stigma sa mga workplace, at komunidad.
Noong 2014, ipinasa ni Belmonte na noon ay bise alkalde pa lamang, at ng 19th Quezon City Council at ginawang ordinansa ang QC Gender Fair Ordinance na malaunan ay nagresulta sa inklusyon ng Safe Cities Program sa amended Gender and Development Code of 2016.
Patuloy ring tinutugunan ng lungsod ang mga isyu ng mga komunidad sa workplace gaya ng diskriminasyon sa hiring at company policy para sa mga empleyado na matawag sa kanilang preferred name, at referred na pronouns o panghalip na nais nila at iba pa.
- Latest