Manila North at South Cemeteries, isinara dahil sa bagyo
MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ang Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC)dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Batay sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), inilabas ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kautusan matapos na isailalim ng PagAsa ang Metro Manila sa ilalim ng Signal No. 3.
Nagpalabas din si Lacuna ng kautusan na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod kahapon dahil sa bagyo.
Sakop ng suspensiyon ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang face-to-face at online classes.
- Latest