^

Metro

DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas
Personal na minonitor ni MPD Manila Police District Director, PBGen Andre P. Dizon ang CCTV cameras sa MDRRMO-Operations Center sa Manila City Hall para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan at matiyak ang presensiya ng mga pulis sa mga sementeryo ngayong nalalapit na Undas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.

Ayon kay Bautista, pina­lawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa Undas.

Ani Bautista, ang mga paliparan ay naghanda na ng mas maraming flights, gayundin ang land transportation, na magpapabiyahe ng mas maraming bus at mga jeepney.

Ang mga barko aniya, lalo na ang mula sa Batangas patungong Mindoro at iba pang destinasyon sa South Luzon, ay naghanda na rin ng suporta para sa pangangailangan ng mga mananakay sa Undas.

Maglulunsad na rin aniya ngayong linggong ito ang mga travel ports ng kanilang taunang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa pagkakaloob ng tulong na maaaring kailanganin ng mga biyahero.

Una na rin namang nagkaloob ng special permits sa mga karagdagang bus ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para mas maraming pasahero ang mapagsilbihan sa nasabing okasyon.

 

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with