^

Metro

Mayor Joy, ginawaran ng pagkilala sa Buenos Aires

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, ginawaran ng pagkilala sa Buenos Aires
Si QC Mayor Joy Belmonte, nang gawaran ng pagkilala ng Buenos Aires sa pagdalo sa C40 World Mayors Summit sa Argentina. Ang C40 cities sa buong mundo ay tumutugon sa climate crisis. Ang QC ang tanging lungsod sa Pilipinas na nominado sa 2022 C40 Ci­ties Bloomberg Philanthropies award.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ginawaran ng Special Diploma ng lokal na pamahalaan ng Buenos Aires City si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang pagdalo sa C40 World Mayors Summit sa Argentina.

Ang C40 ay isang network of mayors kung saan tampok ang nasa 100 world-leading cities sa buong mundo na tumutugon sa climate crisis.

Isa ang Quezon City sa naging miyembro ng C40 Cities network simula noong 2015.

Ang Quezon City ang bukod tanging siyudad sa Pilipinas na nomindo sa 2022 C40 Cities Bloomberg Philanthropies Award at naging guest of honor dito si Belmonte.

Nabatid na ang inisyatibo ni Belmonte na GROWQC, na nakasentro  sa food security and sustainability sa pamamagitan ng urban agriculture ang nagbigay-daan sa Quezon City para maging nominado sa ilalim ng Innovative Climate Solutions category.

Taos-pusong nagpasalamat si Belmonte sa pagkilala sa kanya ng Buenos Aires City Government.

“QCitizens who have found common cause to support our GROWQC project, and other initiatives by our administration. Let’s continue to show them how truly world-class our city is,” pahayag ni Belmonte.

Tiniyak din ni Belmonte na makalilikha pa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga bagong inisyatibo para matugunan ang “climate change at self-sustainability.”

Our seat at the C40 network is proof of the QC government’s commitment to the welfare of this generation and the next,” pahayag pa ni Belmonte.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with