^

Metro

Supply ng tubig sa Metro Manila, nanganganib kulangin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Supply ng tubig sa Metro Manila, nanganganib kulangin
Residents along Road 10 in Tondo, Manila line up their empty containers to fill with water on October 11, 2022 as Maynilad announced that there will be water supply interruptions.
STAR/Edd Gumban

Dahil sa mababang water level sa Angat

MANILA, Philippines —  Sa kabila ng mga pag-ulan, mababa pa rin ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan  kaya’t nanganganib na kulangin ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa susunod na taon.

Sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., nasa 189.4 metro ang antas ng tubig sa Angat sa ngayon  at dapat umakyat ito sa 212 metro hanggang sa katapusan ng taon.

Ito aniya ay para matiyak ang suplay ng tubig sa Metro Manila, gayundin para sa irigasyon sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga, hanggang sa panahon ng tag-init sa susunod na taon.

“Yung mga ulan na nararanasan natin dulot ng pagbagyo noong nakaraan ay hindi pa halos nakarating sa mga water shed kung naka-locate ang mga dams para naman umangat nang maayos ang lebel ng mga ito,” paliwanag ng opisyal.

Binanggit din ni David, na mababa pa rin ang antas ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija at San Roque Dam sa Pangasinan.

Nitong nagdaang araw kahit na may bagyo na dumaan sa Northern Luzon at may mga pag-ulan ay hindi naman nakasapat ang ulan sa may watershed ng  Angat dam para  makatulong na tumaas ang tubig sa naturang dam.

Ang 90 percent ng tubig sa Metro Manila ay nagmumula sa Angat dam.

ANGAT DAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with