^

Metro

Motorcycle lane sa kalsada sa Metro Manila, simula sa Nobyembre - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Motorcycle lane sa kalsada sa Metro Manila, simula sa Nobyembre - MMDA
Dahil sa pagdami ng aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo kaya maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng exclusive motorcycle lanes sa mga lansangan sa Metro Manila.
Michael Varcas

Sagot sa mataas na aksidente

MANILA, Philippines — Bunsod sa mataas na bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo, maglalagay na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga eksklusibong motorcycle lanes sa ilang kalsada sa Metro Manila simula sa darating na Nobyembre.
Partikular na uunahin ang Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sinabi ni MMDA Chairman Carlo Dimayuga III na ang eksklusibong motorcycle lane ay makakabawas sa mga aksidente sa kalsada at makakapagpaganda sa daloy ng mga sasakyan.

Mahigit 26,678 aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang naitala noong 2021, batay sa 2021 Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS), kung saan 295 ang nasawi, 14,529 ang nasugatan, habang 11,944 motorsiklong sangkot ang nasira.

Ito’y kumakatawan sa one fourth o 23.9% mula sa kabuuang 112,228 vehicular accidents sa Metro Manila.
Kahapon isinagawa na ng MMDA ang konsultasyon sa mga grupo ng motorsiklo at iba pang stakeholder para ilatag ang kanilang mga plano sa paglikha ng mga ­eksklusibong motorcycle lane.

Sinabi ng MMDA na pinag-aaralan na rin ang paglalagay ng mga exclusive motorcycle lanes sa EDSA.
Batay sa isang regulasyon ng MMDA noong 2018, ang mga non-exclusive motorcycle lane ay itinatag sa iba’t ibang mga lansangan gaya ng EDSA, Commonwealth, C5, at iba pa.

 

vuukle comment

MOTORCYCLE LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with