^

Metro

QR codes, credit cards, at phones, bilang alternatibo sa beep cards - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
QR codes, credit cards, at phones, bilang alternatibo sa beep cards - DOTr
Ito’y kasunod na rin nang nagaganap na global shortage sa microchips na ginagamit para sa beep cards.
bworldonline.com

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng QR codes, ATM, credit cards, at mobile phones bilang alternatibo sa Beep Cards o stored-value cards para sa cashless fare payment sa mga tren at iba pang pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito’y kasunod na rin nang nagaganap na global shortage sa microchips na ginagamit para sa beep cards.

Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, maglulunsad rin sila ng fare collection national standards o paggamit ng iba pang payment techno­logy para sa pagbaba­yad sa mga tren, bus at mga jeep.

“Maaari na pong gumamit ng QR Code. Maaari pong gumamit ng bank cards tulad po ng ating proyekto kasama ang LandBank, kung saan ang mga ATM at mga credit cards po ay puwede na ring gamitin na pambayad ng pasahe,” aniya.

Dagdag pa niya, magkakaroon din ng Near Field Communication System upang ang mga smartwatch o mga telepono ay maaari na ring gamitin bilang payment mode sa mga sektor ng transportasyon.

Ipinaliwanag ni Batan na ikinukonsidera nila ang mga alternatibong payment modes upang hindi na umasa ang bansa sa iisang teknolohiya na lamang.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Batan ang mga commuters na ingatan ang kanilang mga beep cards dahil patuloy pa rin nilang gagamitin ang mga ito.

Ani Batan, sa ngayon ay mayroong walong milyong beep cards na naka-isyu at ginagamit ng mga commuters. 

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with