^

Probinsiya

6 lalawigan, Signal No. 1 kay ‘Maymay’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
6 lalawigan, Signal No. 1 kay ‘Maymay’
Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ni Maymay ay nasa layong 265 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Anim na lalawigan sa bansa ang nakataas kahapon sa Signal Number 1, dulot ng bagyong Maymay na napanatili ang lakas habang mahinang kumikilos pakanluran timog kanluran ng Philippine Sea sa may Aurora, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ni Maymay ay nasa layong 265 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.

Bunsod nito, nakataas sa Signal Number 1 ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at sa extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama na ang Polillo Islands.

Nitong Martes hanggang ngayong umaga ng Miyerkules ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong  Cagayan, Isabela, Batanes, at Apayao. Mahina hanggang sa katamtamang pag ulan na minsa’y malakas sa Aurora, Abra, Kalinga, Mountain Province, at Ilocos Norte.

Sa susunod na 24 oras, sinabi ng PAGASA na maaaring maging maalon sa western seaboard of Central Luzon at mapanganib para sa maliliit na bangka.

Inaasahan na magla-landfall si Maymay ngayong Miyerkules ng hapon sa Aurora o sa northern portion  ng  lalawigan ng Quezon.  Makaraan ito, ang sentro ni Maymay ay dadaan sa  landmass ng Central Luzon bago magtungo sa may West Philippine Sea  sa Huwebes ng umaga.

Si Maymay ay inaasahang lalakas bago mag-landfall. Dahil sa frictional effects, si Maymay ay magiging isang Low Pressure Area  na lamang kapag lumapit na sa West Philippine Sea.

PAG-ASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with