Mga sementeryo sa Maynila, bubuksan na para sa Undas

In preparation for the upcoming All Souls Day on November 2, some visitors are seen at the Manila North Cemetery on Saturday (October 8, 2022).
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Balik na sa tradisyunal na pagbisita sa mga namayapang mahal sa buhay sa dalawang pampubliko sementeryo sa Maynila sa paggunita ng Undas matapos pabuksan na ito ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sa kaniyang Facebook Live nitong Biyernes, sinabi ni Lacuna na bubuksan sa publiko ang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila at ang Manila South Cemetery na nasa bahagi ng Makati City subalit pag-aari ng lungsod ng Maynila, simula Oktubre 29, 30, 31 at Nobyembre 1 at 2, o ang mismong All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Maari umanong makapasok simula alas-5 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Gayunman, hindi naman papayagang makapasok sa sementeryo ang mga kabataan na may edad 12 pababa, mga indibidwal na ‘di bakunado at hindi pa fully vaccinated.

Kahit pa kabilang sa open spaces ang dalawang sementeryo, na sinasabing optional lamang ang pagsusuot ng face mask, hinikayat niya ang publiko na magsuot pa rin ng face mask.

“Kahit open space ang sementeryo, ine-encourage naming kayo kapag dadalaw lalo na sa October 29 to November 2 na magsuot ng face mask. Hindi natin masisiguro na magkakaroon ng physical distancing,” aniya.

Samantala, may hanggang Oktubre 25, 2022 na lamang ang pagkakataon para payagan ang mga maglilinis ng mga puntod at magpipintura.

May hanggang Oktubre 28 naman ang pagpapahintulot na maglibing at mag-cremate, na muling papayagan sa Nob. 3,

Gayunman, ang mga namatay naman sa CO­VID-19 ay hindi kabilang sa pipigilang ma-cremate o magtutuloy-tuloy ang cremations kahit sa Undas.

Show comments