^

Metro

Mga bagon ng MRT-3, na naisailalim sa overhauling, umakyat na sa 65

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 65 ang bilang ng mga bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na naisailalim sa overhauling.

Batay sa advisory ng MRT-3 nitong Martes, nabatid na tumaas sa 65 ang bilang ng light rail vehicles (LRVs) na na-overhaul ng MRT-3 matapos na madagdagan pa ng isa noong Setyembre 28.

Nabatid na sa ilalim ng overhauling, kinukumpuni at pinapalitan ng bago ang mga lumang piyesa ng mga bagon ng MRT-3.

Isinasailalim din ang mga ito sa mga serye ng system checks upang matiyak na ligtas silang ibiyahe.

Anang MRT-3, sa kabuuan ay pito na lamang mula sa 72 bagon ng MRT-3 ang nakatakdang isailalim sa general overhauling ng maintenance provider ng linya na Sumitomo-MHI-TESP.

Ang MRT-3 ang siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon at Taft Avenue, Pasay City via EDSA.

MRT 3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with