^

Metro

Taas pasahe sa PUVs, epektibo na ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taas pasahe sa PUVs, epektibo na ngayon
Commuters lined up as they wait for a jeepney ride along Philippine Coconut Authority (PHILCOA) in Quezon City on August 14, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Epektibo na simula ngayong Lunes, Oktubre 3 ang inaprubahang fare hike ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicles (PUVs).

Kabilang dito ang P1 dagdag-pasahe sa mga tradisyunal na jeepney na magkakaroon na ng P12 minimum fare, at modern jeepneys na magkakaroon na ng P14 minimum na pasahe.

Bukod pa dito, ang mga traditional jeepneys ay magpapatupad rin ng karagdagang P1.80 para sa bawat susunod na kilometro habang P2.20 sa modern jeepneys.

Ang mga pampasaherong bus naman ay binigyan ng P2 na fare increase kaya ang minimum fare sa ordinaryong bus ay magiging P13 na, at may P2.25 na dagdag sa bawat susunod na ki­lometro habang ang mga air-conditioned buses ay magkakaroon ng P15 minimum na pasahe at P2.65 dagdag sa bawat succeeding kilometer.

Samantala ang flagdown rates sa mga taxis at transport network vehicle service (TNVS) ay pinahintulutan din ng LTFRB na magtaas ng P5, ngunit walang ka­ragdagang pagtaas sa succeeding kilometers.

Dahil dito, ang bagong minimum fare para sa mga taxi at sedan-type na TNVS ay magiging P45, habang P55 sa mga AUV/SUV-type TNVS at P35 sa hatchback-type na TNVS.

Kaugnay nito, sinabi bi Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na pinag-aaralan na rin nila ang hi­ling na dagdag pasahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), gayundin ng iba pang rail lines, kabilang ang MRT-3 at LRT-2.

Pinaalalahanan din ni Bautista ang mga PUVs na magpaskil muna ng bagong fare matrix sa loob ng kanilang sasak­yan bago sila payagang magpatupad ng bagong taas-pasahe.

Umapela rin siya sa mga commuters ng pang-unawa hinggil sa natu­rang tas-pasahe, na aniya ay long overdue na.

LTFRB

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with