MANILA, Philippines — Umaabot sa 4,500 sako ng basura ang nakuha ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos magsagawa ng cleanup drive sa Manila Baywalk Dolomite Beach sa Maynila.
Ayon kay DENR-Metropolitan Environmental Office (MEO) West OIC Director Rodelina de Villa, bahagi ito ng selebrasyon ng International Coastal Cleanup (ICC) Day 2022.
Nasa mahigit na 4,000 volunteers ang nakibahagi sa cleanup activity.
Tema ng aktibidad sa taong ito ang “Fighting for Trash Free Seas-Pilipinas: Ending the Flow of Trash at the Source.”
Kabilang sa mga nakolektang basura ang mga plastic wastes, dried water hyacinth, at marine debris.
Ayon kay De Villa, nasasalamin sa Manila Baywalk ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang matugunan ang coastal litter sa pamamagitan ng mga isinasagawang beach cleanup activities.