‘LTO on Wheels’, pinalakas pa
MANILA, Philippines — Higit pang pinalakas ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘LTO on Wheels’ project para lalong mailapit sa publiko ang serbisyo publiko ng gobyerno.
Kahapon ay tinungo ng ‘LTO on Wheels’ ang Camp Karingal sa Quezon City na nagsisilbing headquarters ng Quezon City Police District (QCPD).
Una nang inilunsad ang proyekto noong May 2019.
Ito ay isang ‘One-Stop-Shop’ concept na kayang makapagsilbi ng 400 car registrants kada araw.
Saklaw ng ‘LTO on Wheels’ ‘ ang motor vehicle registration renewal, issuance ng student permit, renewal ng driver’s license, plain renewal without penalty, renewal ng professional/non-professional driver’s license at conversion ng paper license to card.
Para makapag-avail ng serbisyo nito, kinakailangan lamang na gumawa ng letter request ang barangay captain o village president o government office sa LTO Regional Director.
Kinakailangan lamang na tiyakin ng requesting party na may sapat na parking space para sa LTO Bus na gagamitin sa ‘LTO on Wheels’at 10 Mbps internet connectivity.
- Latest