MANILA, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na lalaki nang resbakan at barilin ng truck helper na matagal na niyang kaaway, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Fernando Brucelo, Jr., Brgy. NBBS Navotas City, sanhi ng tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdidb.
Nadakip naman ng mga tauhan ng Malabon City Police Sub-Station 5 sa follow operation ang suspek na si Jomel Cerbito, 28, ng Brgy. Longos, Malabon City.
Tinutugis naman ang kanyang kasabwat na si JR Mungkoy, 28, ng Caloocan City.
Naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa Parking Lot sa Block 11, Hiwas St. Brgy. Longos.
Unang nakitang nagtatalo ang biktima at suspek habang naglalakad sa isang eskinita sa Block 11. Pagsapit sa nasabing parking lot ay doon na binaril ng suspek sa likod ang biktima.
Ani Barot, positibong kinilala ang suspek ng isang saksi at sinabing matagal nang alitan ang motibo ng pamamaslang kay Brucelo.
Sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya si Cerbito.