Metro Manila muling binaha dahil sa habagat
MANILA, Philippines — Muling nalubog sa baha ang ilang kalsada sa Metro Manila dahil sa malakas na ulan na dulot ng habagat, base sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kahapon ng umaga.
Sa kanilang alert dakong alas-7:53 ng umaga, umabot ng ‘gutter-deep floods’ at higit pa sa mga sumusunod na kalsada: EDSA-POEA southbound; MIA-Domestic westbound; EDSA-Ortigas southbound harap ng POEA; at EDSA-Ortigas northbound on ramp at southbound off ramp.
Samantala, mas mataas pa sa gutter ang namonitor na baha sa may E. Rodriguez-Aranera northbound makaraan ang interseksyon dakong alas-8 ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na nakakaapekto sa panahon ng Gitna at Katimugang Luzon ang Southwest Monsoon o ang Habagat, na nagdudulot ng ulan sa buong bansa.
Nagresulta ang ulan at baha ng kanselasyon ng klase sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Luzon at National Capital Region.
- Latest