Karnaper nang-agaw ng baril, patay sa parak

MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang karnaper  makaraang magtangkang mang-agaw ng baril ng isang pulis sa loob ng istasyon sa  Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing suspek na si Artjohn Arufo, 23-anyos, ng Rodriguez Street, Tondo. Nagtamo siya ng tama ng bala sa ulo na dahilan ng kaniyang kamatayan.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, unang naaresto ng mga pulis si Arufo sa kasong carnapping at dinala sa Smokey Mountain Police Community Precinct sa may Mel Lopez Boulevard, Tondo.

Habang isinasailalim sa imbestigasyon dakong alas-12:10 ng madaling araw, bigla umanong hinablot ni Arufo ang baril ni PEMS Erwin Bacungan, ang deputy commander ng PCP. Nagpambuno umano ang dalawa hanggang sa mabaril ng pulis ang suspek sa ulo.

Isinugod naman ang suspek sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) kung saan idineklara siya dead-on-­arrival.

Show comments