^

Metro

2023 NEP ni PBBM may laang pinakamalaking badyet sa tren

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May nakalaang pina­kamalaking badyet sa tren na P113.99 bilyon o halos limang beses kumpara sa P23.12 bilyon lamang ngayong 2022, ang 2023 panukalang P5.268 tril­yong ‘National Expenditure Program’ (NEP) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee na, sa ilalim ng 2023 NEP na isinumite sa Kamara, ‘idinedeklara ni Pangulong Marcos na balik na ang tren bilang mahalagang transportasyon at inihud­yat na niya ang pasimula sa programang “Build Better More.”

Bilang pangunahing may-akda ng ‘House Re­solution’ na pormal na nagsusulong sa ‘infrastructure spending targets’ at nagbigay dito ng pangalang “Build Better More” (BBM), sinabi ni Salceda na hud­yat din ito na sadyang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘national backbone projects,’ ang pamanang mga imprastraktura sa mga rehiyon at lalawigan ni dating Pangulong Duterte.

Pinuna ni Salceda na habang ang estratehiya ni PRRD ay ilipat sa mga lalawigan ang yaman ng bansa, ang kay PBBM naman ay gawing lalong kapaki-pakinabang ang mga ito sa pamamagitan ng mabisang pag-uugnay sa kanila ng lalong pinalawak sa saklaw ng mga riles at tren.

Anya, ang panukalang 2023 badyet ay “tiyak na magpapasimula na sa paggulong ng ‘Build Better More era,’ at ang tren ay tiyak din na pinaka-murang sistema ng transportasyong panglupa bawat kilometro, para sa mga tao man o kargada, at maliwanag na marami nito ang gusto ng Pangulo.”

vuukle comment

BONG BONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with