^

Metro

2 top most wanted sa NCR, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 top most wanted sa NCR, timbog
Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-3 ng Lunes ng hapon nang maaresto nila si Aries Calla Rapsing, 30, sa Brgy. Central Bicutan, Taguig.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang Top 3 at Top 9 most wanted personality ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa magkahiwalay na operasyon sa Taguig at Pasay City.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-3 ng Lunes ng hapon nang maaresto nila si Aries Calla Rapsing, 30, sa Brgy. Central Bicutan, Taguig.

Nakatala si Rapsing bilang Top 3 Most Wanted Person Regional Level para sa 3rd Quarter ngayong 2022 ng NCRPO at Top 1 Most Wanted naman sa 3rd quarter ng SPD.

Hindi na nakapalag si Rapsing nang ihain sa kaniya ng mga pulis ang warrant of arrest para sa kasong Murder na inilabas ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig City RTC Branch 69.

Nauna dito dakong ala-1:15 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Pasay Police Station-Warrant and Subpoena Section sa may Brgy. 70 Zone 9 Pasadeña, Pasay City ang Rank 9 NCRPO Most Wanted na si Marlon Alandra, 30.

Inihain naman sa kaniya ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Rowena Nieves Adena Tan ng Pasay RTC Branch 118 para sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act.

May inilaan na P300,000 na piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

“Ang pagkakadakip sa kanila ay resulta ng pinaigting na manhunt and surveillance operations na inisyatiba ng mga combines units para ihatid sa hustisya ang mga tumatakas sa batas at upang sagutin nila ang nagawang mga krimen,” ayon kay SPD Acting Director Kirby John Kraft.

MOST WANTED

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with