^

Metro

30K-40K estudyante, inaasahan sa libreng sakay ng LRT-2

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
30K-40K estudyante, inaasahan sa libreng sakay ng LRT-2
The LRT-2 Antipolo station starts its operations on July 5, 2021 as part of the East Extension project in Antipolo City.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa balik-eskwela ngayon Inaasahan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na aabot sa 30,000 hanggang 40,000 estudyante ang mag-a-avail ng libreng sakay ng LRT-2, sa pagsisimula ng face-to-face classes sa bansa ngayong araw.

Ang libreng sakay ay sisimulang ipatupad ng LRT-2 ngayong Agosto 22 at magtatagal hanggang Nobyembre 5, 2022, alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando T. Cabrera, maraming estudyante ang makikinabang sa programa dahil ang LRT-2 ay bumabaybay mula Recto, Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal, kung saan matatagpuan ang nasa 80 unibersidad, kolehiyo, at mga paaralan.

Sa kabuuan aniya, posibleng umabot sa 2.2 milyon ang mga estud­yanteng mabebenepisyuhan ng kanilang libreng sakay.

Bago ang pandemya, ang tipikal na weekday average ridership ng LRT-2 ay nasa 90,000-100,000 kada araw.

Anang LRTA admi­nistrator, naghanda sila ng sistema upang masi­guro ang ligtas, maayos at episyenteng pagpapatupad ng programa, alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr).

Kabilang aniya sa maaaring mag-avail ng Libreng Sakay ang mga estudyanteng naka-enroll sa nursery/kindergarten, elementary/primary, high schools, technical- vocational, at college students.

Ang libreng sakay ay mula Lunes hanggang Sabado, maliban kung Linggo at holidays, 5 am-9:30pm.

Hindi naman sakop ng programa ang mga estudyante sa graduate studies, gayundin ang guardians ng mga estudyante.

Kailangan lamang ng mga estudyante na ipri­sinta ang kanilang orihinal na school ID o original na registration form sa Passenger Assistance Office (PAO) para mabigyan sila ng Free Ride Ticket.

Ang naturang Free Ride Single Journey ­Ticket ay non-transferrable at balido lamang sa loob ng isang araw.

Matapos ito o simula sa Nobyembre 6, ibabalik naman nila ang ibinibigay na 20% discount sa mga mag-aaral.

vuukle comment

LRTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with