Special permit para sa PUVs, ibinibigay ng LTFRB
Para sa binuksang mga bagong ruta
MANILA, Philippines — Mananatiling bukas hanggang Linggo ang main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para tumanggap ng mga aplikasyon para sa special permit ng mga pampublikong sasakyan na sasabak sa mga binuksang mga bagong ruta para sa pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22.
Sa LTFRB Memorandum Circular No. 2022-067 at 2022-068, may 33 bagong ruta ang binuksan para sa mga Public Utility Bus (PUB), 68 na ruta ng Public Utility Jeepney (PUJ), at 32 ruta ng UV Express (UVE).
Upang makabiyahe ang mga pampasaherong sasakyan sa mga bagong ruta na nabuksan ng LTFRB, kailangang makakuha ang driver at operator ng special permit at dapat ito ay may balido at existing na Certificate of Public Convenience (CPC) ang operator ng sasakyan.
Nagbukas ng dagdag na ruta ang LTFRB upang punan ang pangangailangan sa sasakyan ng inaasahang dagsa ng mga mag- aaral sa pagsisimula ng face-to-face classes sa mga paaralan.
- Latest