Higit 500 motorista, natikitan sa number coding
MANILA, Philippines — Mahigit sa 500 motorista ang natikitan na sa pagpapatupad ng expanded number coding ng Metropolitan Manila Development Authority.
Ang pinalawak na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding ay umiiral mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga bukod sa mga rush hours sa hapon na alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi, na sinimulan ng Agosto 15.
Ang unang tatlong araw ay binigyan lamang ng babala na walang apprehension para sa adjustment period, na nagtala naman ng nasa 7,400 violators.
Kahapon sinimulan na ang pag-iisyu ng citation tickets sa mga mahuhuling lumabag. Karamihan sa mga tinikitan ay bumabagtas sa EDSA at mga pangunahing lansangan sa NCR.
- Latest