Holiday ngayon sa Quezon City
MANILA, Philippines — Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na Special Non-Working Holiday ngayong Agosto 19 (Biyernes) sa lungsod.
Ito ay bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.
Alinsunod na rin ito sa Republic Act No. 6741 na nagdedeklarang Special Non-Working Holiday ang August 19.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa buong Quezon City.
Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management.
- Latest