Plaka na nagtatapos sa 8, 9 at 0 extended ang pagpaparehistro – LTO

File photo of Land Transportation Office.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Extended ng isang buwan ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na nagtatapos sa 8,9 at 0.

Ang plaka ng sasakyan na may ending 8 ay dapat mag-renew ng rehistro sa buwan ng Agosto pero dahil sa utos ng LTO, extended ng isang buwan ang vali­dity ng rehistro ng sasakyan o maaaring mag renew ng rehistro ng sasakyan hanggang September 30, 2022.

Ang sasakyan na may ending 9 na dapat ay September ang renewal ng rehis­tro ng sasakyan ay maaaring magrehistro hanggang October 31,2022  at ang sasakyan na may en­ding 0 na dapat magrenew ng rehistro ng sasakyan ng October ay maaaring magrehistro ng sasakyan hanggang November 30, 2022.

Ginawa ng LTO ang one month extention sa validity ng rehistro ng mga sasakyan dahil sa dinaranas na bogged down at glitches ng LTO Management System Portal dahilan para bumagal ang sistema ng operasyon ng LTO kayat marami ang nagrereklamo ng mabagal at matagal na pagrerehistro ng sasakyan.

Ayon kay LTO NCR director Clarence Guinto nasa nasa transition period ang dalawa nilang IT service providers na Dermalog at LTMs.

Show comments