^

Metro

Sapat na suplay ng tubig sa mga iskul tiniyak ng Manila Water

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sapat na suplay ng tubig sa mga iskul tiniyak ng Manila Water
Ayon sa Manila Water patuloy ang kompanya na magkakaloob ng 24/7 na ligtas at malinis na suplay ng tubig sa mahigit 7 milyong custo­mers sa Eastern Metro Manila at Rizal Pro­vince lalo na sa mga paaralan.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ng East Zone concessionaire Manila Water na may sapat na suplay ng tubig sa mga paaralan na magagamit ng publiko lalu na ang mga mag- aaral sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 22.

Ayon sa Manila Water patuloy ang kompanya na magkakaloob ng 24/7 na ligtas at malinis na suplay ng tubig sa mahigit 7 milyong custo­mers sa Eastern Metro Manila at Rizal Pro­vince lalo na sa mga paaralan.

Sa nakalipas na dalawang taon nang umarangkada ang pandemic sa bansa, patuloy ang  Manila Water sa pagpapatupad ng mga proyekto na pupunan sa pangangailangan ng tubig ng publiko oras na bumaba ang suplay sa Angat Dam na siyang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.

May 1,300 paaralan ang nasa service area ng Manila Water. Tumutulong din ang kompanya sa maintenance work sa iba’t ibang mga paaralan tulad ng pagpapanatiling may tubig sa rest rooms, faucets, at handwashing areas  sa mga paaralan.

“It has always been Manila Water’s commitment to ensure that vital institutions, such as schools, are provided with ample safe water supply and effective wastewater and sanitation services all year round. Coming from two years of online classes, we took the initiative, ahead of any government program, to do a more extensive assessment of the water supply and wastewater management situation in schools in the East Zone,” pahayag ni Dittie Galang, head ng Manila Water Corporate Communication.

MANILA WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with