^

Metro

PhilPost may babala sa bagong online scam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Philippine Postal Office (PhilPost) sa isang bagong online scam sa porma ng isang quiz game na umiikot ngayon sa mga social media apps.

Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang PhilPost.

Bunsod ito ng link na sini-share ngayon sa social media na kailangan mo lang sumagot ng apat na katanungan at may tsansa ka ng manalo ng P7,000 na ayuda at maki-claim mo ito kapag ishinare mo ang link sa ibang tao.

Dagdag ng ahensya, maaring magkaroon ng access ang mga scammers sa mga personal na impormasyon na hihingin ng website sa oras na i-click ang link.

Paalala ng PhilPost na hinding-hindi gagawin ng kanilang ahensya ang tumawag, mag-txt o mag-email at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad o magpa-click ng anumang email link para makapag-claim ng anumang package.

PHILPOST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with