MANILA, Philippines — Balik na ang flight operation ng Philippine Airline (PAL) sa ruta nito mula at patungong Taipei matapos ang apat na araw na ‘Airspace closure’ ng Taiwan Straight.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, base sa inilabas na Notice to airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority ng Taiwan, isinara ang isang portion ng Airspace dahil sa isinagawa ng China ang military exercise nila.
Ayon kay Villaluna, bagama’t isinara ng August 4-7 ang Airspace ng Taiwan nagpapatuloy pa rin anya ang rerouting flight ng PAL patungong Taipei at pabalik ng Manila.
Isina-alang alang ng PAL ang kapakanan ng mga manlalakbay upang hindi maabala ang flight schedule ng kanilang mga pasahero.
Samantala, sinabi ni Villaluna, na patuloy na susubaybayan ng PAL ang sitwasyon ng Taipei at magsasagawa ng mga pagsasaayos sa mga operasyon nito, kung kinakailangan.