Brigada Eskwela, larga na sa August 2
MANILA, Philippines — Ang National Schools Maintenance Week na kilala rin sa tawag na “Brigada Eskwela” ay isang taunang aktibidad na pinamumunuan ng DepEd kung saan ang lahat sa komunidad ng paaralan – kasama ang pribadong sektor – ay nagtutulungan upang ihanda ang mga paaralan para sa pagbubukas ng mga klase.
Ang Manuyo Elementary School ay magsasagawa ng kick off ceremony ng kanilang Brigada Eskwela sa pamununo ng kanilang punong guro na si Irene C. Agar sa pakikipagtulungan ng kanilang mga focal persons na sina Gerard Gito at Jenel Secillano sa darating na Agosto 2, 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga.
Ang lahat ay inaanyayahan na makibahagi at maging parte ng programang ito. Ang lahat ng ito ay isinasagawa para sa edukasyon at para sa bata.
- Latest