Ilang lugar sa Metro Manila binaha

Photo shows a pedestrian crossing a flooded Taft Avenue in Manila following continuous rains.
Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Ilang lugar sa National Capital Region  ang nakaranas ng pagbaha bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan, kahapon dulot ng  epekto ng Southwest Moonsoon na pinalakas ng Tropical Depression ‘Ester’ na naapektuhan ang western sections ng Central at Southern Luzon kabilang ang Metro Manila.

Batay sa MMDA Metrobase, dakong alas- 12:42 ng hapon ay umabot sa gutter deep ang baha sa EDSA Aurora tunnel ng northbound at southbound at EDSA Shaw Blvd. tunnel northbound at southbound; gayundin ang C5 Ortigas Service Road southbound.

Alas -12:49 ng hapon nang umakyat din sa gutter deep ang baha sa EDSA Shaw Service Road northbvound; EDSA Madison northbound.

Ala-1:18 ng hapon nang umabot naman  sa tuhod o knee deep ang C5 Eagle Street northbound Gutter deep ang C5 Eastwood northbound pasado alas-3.

Bagamat may pagbaha, sinabi ng MMDA na  passable o maaring madaanan pa ng lahat ng uri ng sasakyan.

Show comments